West Philippine Sea at Ang Mga Katotohan Tungkol Dito.
Ano ba ang mga bagay-bagay na dapat nating malaman tungkol sa isyu ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea?
Ano ang UNCLOS?
Ito ang United Nations Convention on the Law of the Sea tinatawag din na Law of the Sea Convention o Law of the Sea treaty. Ito ay tumutukoy sa karapatan at pananagutan ng mga bansa ng may paggalang sa kanilang paggamit ng mga karagatan ng mundo, pagtatag ng mga alituntunin para sa mga negosyo, ang kapaligiran at ang pamamahala ng mga marine natural resources.
At kung hindi natin alam,ito ang pinanghahawakan ng Pilipinas para angkinin ang mga isla sa West Philippine Sea.
Ano ang 9 dash line?
Isang sinaunang mapa na nagpapakita ng isang U-shaped na linya ay nai-publish sa ngayon ay Republic of China sa Disyembre 1, 1947. Itong U-shaped na linya ay iginuhit lamang nila at walang itong legal na base sa internasyonal na batas. Ang nasasakop ng U-shaped na ito ay inaangkin nilang pag-aari kabilang na ang ating mga isla sa West Phillippine Sea.
Ito rin ang pinanghahawakan ng Tsina para akingnin ang mga isla sa West Philippine Sea.
Ano ang ibig sabihin ng Exclusive Economic Zone?
Ito ay ang teritoryo ng dagat na itinakda ng UNCLOS sa batas ng dagat o Sea rights na kung saan ang estado ay may espesyal na mga karapatan sa na galugarin ang teritoryo at paggamit ng mga marine resources kabilang na ang produksyon ng enerhiya mula sa tubig at hangin.Ito ay umaabot mula sa baseline sa 200 nautical miles mula sa baybayin nito.
Talagang sakop natin ang mga isla na nasa West Philippine Sea na inaangkin ng Tsina dahil sa Exclusive Economic Zone. Nasa within 200 nautical miles natin ang mga islang inaangkin nila kaya't may mas ebidensya tayong sa atin ito.
Ano ang epekto ng ginagawang pagpapatupad ng Tsina sa kanilang 9 dash line sa pamumuhay at kaligtasan ng mga mamamayang Pilipino?
Nawawalan ng pangkabuhayan ang ating mga kababayan at lumiliit ang kanilang kita. Dahil ito sa pag haharang at pananakot ng mga malalaking barko ng Tsina sa ating mga Pilipinong mangingisda. Nalalagay sa panganib ang kanilang mga buhay dahil sa banta ng mga Tsinong mangisngisda din sa kanila. Mas nahihirapan sila at lumiliit din ang tsyansang umahon.
_________________________________________________
Ang opiyon ko, tungkol sa isyung ito, kahit na mag-aaral palang ako ay dapat lang natin itong ipaglaban. Dahil, meron tayong sapat at matitibay na ebidensya na magpapatunay na tayo ang may karapatan at may-ari ng West Philippine Sea. Ngunit, idaan sana natin ito sa payapang paraan posible na hindi na dadaan sa dahas. Panatiliin natin ang respeto sa kanila. Patuloy tayong magdasal para sa ika-bubuti ng ating bansa. ✿◕ ‿ ◕✿
_________________________________________________
Para sa dagdag kaalaman, bisitahin ang mga links na ito:
[PTV] KARAPATAN SA KARAGATAN (Part 2) - DFA's WEST PHILIPPINE SEA
[PTV] KARAPATAN SA KARAGATAN (Part 3) - DFA's WEST PHILIPPINE SEA
_________________________________________________
Mga reference:
https://en.wikipedia.org/wiki/United_Nations_Convention_on_the_Law_of_the_Sea
http://www.abs-cbnnews.com/nation/03/26/15/no-nation-recognizes-china-9-dash-line-philippines
https://en.wikipedia.org/wiki/Exclusive_economic_zone