Thursday, October 15, 2015

West Philippine Sea at Ang Mga Katotohan Tungkol Dito

West Philippine Sea at Ang Mga Katotohan Tungkol Dito.




Ano ba ang mga bagay-bagay na dapat nating malaman tungkol sa isyu ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea?


Ano ang UNCLOS?


Ito ang United Nations Convention on the Law of the Sea tinatawag din na Law of the Sea Convention o Law of the Sea treaty. Ito ay tumutukoy sa karapatan at pananagutan ng mga bansa ng may paggalang sa kanilang paggamit ng mga karagatan ng mundo, pagtatag ng mga alituntunin para sa mga negosyo, ang kapaligiran at ang pamamahala ng mga marine natural resources.

At kung hindi natin alam,ito ang pinanghahawakan ng Pilipinas para angkinin ang mga isla sa West Philippine Sea.







Ano ang 9 dash line?


Isang sinaunang mapa na nagpapakita ng isang U-shaped na linya ay nai-publish sa ngayon ay Republic of China sa Disyembre 1, 1947. Itong U-shaped na linya ay iginuhit lamang nila at walang itong legal na base sa internasyonal na batas. Ang nasasakop ng U-shaped na ito ay inaangkin nilang pag-aari kabilang na ang ating mga isla sa West Phillippine Sea.

Ito rin ang pinanghahawakan ng Tsina para akingnin ang mga isla sa West Philippine Sea.



Ano ang ibig sabihin ng Exclusive Economic Zone?



Ito ay ang teritoryo ng dagat na itinakda ng UNCLOS sa batas ng dagat o Sea rights na kung saan ang estado ay may espesyal na mga karapatan sa na galugarin ang teritoryo at paggamit ng mga marine resources kabilang na ang produksyon ng enerhiya mula sa tubig at hangin.Ito ay umaabot mula sa baseline sa 200 nautical miles mula sa baybayin nito.

Talagang sakop natin ang mga isla na nasa West Philippine Sea na inaangkin ng Tsina dahil sa Exclusive Economic Zone. Nasa within 200 nautical miles natin ang mga islang inaangkin nila kaya't may mas ebidensya tayong sa atin ito.

Ano ang epekto ng ginagawang pagpapatupad ng Tsina sa kanilang 9 dash line sa pamumuhay at kaligtasan ng mga mamamayang Pilipino?

Nawawalan ng pangkabuhayan ang ating mga kababayan at lumiliit ang kanilang kita. Dahil ito sa pag haharang at pananakot ng mga malalaking barko ng Tsina sa ating mga Pilipinong mangingisda. Nalalagay sa panganib ang kanilang mga buhay dahil sa banta ng mga Tsinong mangisngisda din sa kanila. Mas nahihirapan sila at lumiliit din ang tsyansang umahon.



_________________________________________________


Ang opiyon ko, tungkol sa isyung ito, kahit na mag-aaral palang ako ay dapat lang natin itong ipaglaban. Dahil, meron tayong sapat at matitibay na ebidensya na magpapatunay na tayo ang may karapatan at may-ari ng West Philippine Sea. Ngunit, idaan sana natin ito sa payapang paraan posible na hindi na dadaan sa dahas. Panatiliin natin ang respeto sa kanila. Patuloy tayong magdasal para sa ika-bubuti ng ating bansa.  ✿◕ ‿ ◕✿ 


_________________________________________________

Para sa dagdag kaalaman, bisitahin ang mga links na ito:



[PTV] KARAPATAN SA KARAGATAN (Part 1) - DFA's WEST PHILIPPINE SEA


[PTV] KARAPATAN SA KARAGATAN (Part 2) - DFA's WEST PHILIPPINE SEA


[PTV] KARAPATAN SA KARAGATAN (Part 3) - DFA's WEST PHILIPPINE SEA


_________________________________________________

Mga reference:

https://en.wikipedia.org/wiki/United_Nations_Convention_on_the_Law_of_the_Sea

http://www.abs-cbnnews.com/nation/03/26/15/no-nation-recognizes-china-9-dash-line-philippines

https://en.wikipedia.org/wiki/Exclusive_economic_zone










9 comments:

  1. Ahh. Tama ka talaga! Dapat pantay-pantay ang ating mga karapatan bilang tao. Kaya, dahil nakikita natin na bahagi ang Spratley's ng Pilipinas, masasabi ako na talagang malinaw ang ebidensya nito. Huwag natin kalimutan na dapat mapayapa at mabuti ang ating pagdedebate sa mga Tsino. Dapat wasto ang ating kagandahang-asal bilang mga mamamayan. Totoo ang sinabi mo. Saludo ako sa iyo 200 percent. Great Job talaga sa manunulat. niceee :)

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Masasabi ko na matagal na ang mga talaan ng mga Tsino. Dahil dito, ipinagmamalaki talaga nila ang kanilang mga paniniwala na bahagi nila ang Spratleys. Ang 9 dash line ay lumlikha ng kahirapan at katakutan sa mga Pilipino. Bumaba na ang kabuhayan ng mga nangingisda dahil dito. Matakot na silang pangangahas sa dagat kasi may mga struktura na nagagawa ng mga Tsino. Ngunit, Inaasahan ko na magiging bahagi pa rin ang Spratleys ng Pilipinas Matibay at matapang tayo mga tao pero dapat mag uusap tayo ng pang demokratiko at walang pagkapoot nating dalawa.

    ReplyDelete
  4. I'll commend you for that. Indeed we have many evidences that could prove that we owned the stated argument. According to EEZ or Exclusive Economic Zone we the West Philippine Sea is under in our Zone so we should fight for it. But the good thing about your blog was humility and respect is important, a good role model for all Filipino. God's speed

    ReplyDelete
  5. Napaka informative. Totoo naman na sa atin iyon, sumunod lang tayo sa EEZ, Hindi naman natin kinuha lahat-lahat!

    ReplyDelete
  6. Napaka informative. Totoo naman na sa atin iyon, sumunod lang tayo sa EEZ, Hindi naman natin kinuha lahat-lahat!

    ReplyDelete
  7. Talagang dapat natin ipaglaban ang ating karapatan sa West Philippine Sea. Malakas man ang Tsina subalit nasa panig natin ang batas. Napakahalaga na may kaalaman ang mga tao sa isyung ito.

    ReplyDelete